Tuesday, October 21, 2008

Mahirap Ba Ako?


Sinu-sino nga ba ang mahihirap? Mahirap ba ako?

Ayon sa NSCB(2006), kailangan lamang ng 15,057 pesos sa isang taon ng isang indibidwal(national standards) para hindi mabilang sa mga mahihirap. Sa kanilang bilang mayroong 27.6 milyong indibidwal ang kabilang sa mahihirap.
Paano ba nila nakuha ang 15,057 pesos? 10,025 pesos dito ay para mabili ang food menu na inihanda ng FNRI, habang ang nalalabing 5,022 naman ay para sa basic expenditures ng indibidwal na gumagasta sa pagkain ng 11027-9003 pesos o ang +/- 10% ng food threshold. 27 pesos kada araw para sa pagkain at14 peso naman para sa iba pang bilihin.

Ang isinagawang survey ng Social weather stations na nagtatanong sa mga pamilya kung saan nila ilalagay ang pamilya nila sa card: kung sa "mahirap", "hindi mahirap" o “sa linya”.

Mahirap

di-mahirap

Pinakita ng kanilang survey para sa second quarter ng 2008 na 59% o 10.6 milyong mga pamilya sa Pilipinas ang nagsasabing mahirap sila. 24% naman ang nagsasabing sila ay nasa gitna at 17% naman ang nagsasabing di sila mahirap.

Ginawan naman ng dibisyon ng Marketing and Opinion Research Society of the Philippines ang mga pamilya sa Pilipinas base sa konstruksyon, furnishing at lokasyon ng tirahan. A-B para sa upper class na nakatira sa mga exclusive subdivision, C para sa middle class na nasa middle class subdivision, D na mga mahihirap na nakatira sa mga shabby neighborhood, at E na sobrang hirap at nakatira sa slum districts. Lumabas sa kanilang bilang na 20% ang nasa class A-B, 65% ang nasa class C, at 15% ang nasa class D.

Para naman sa ginawang pagaaral ng IBON foundation, kailangan ng 557 pesos ng isang pamilya(6 na miyembro) para hindi matawag ng mahirap. Kung gagamitin ang ganitong bilang, umaabot ng halos 83% ang mga pamilyang naghihirap sa bansa.

Mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga ginamit na methods ng mga nagsasagawa ng bilang para sa kahirapan. Para sa NSCB at IBON naging malaki ang diperensya ng poverty threshold. Sa mga bansa na tulad ng Pilipinas ang bawat piso sa ginagamit sa pagbilang ay napakahalaga. Ayon nga sa ADB(2003) ang 6 na piso na idadagdag sa poverty threshold noong 2003 ay magdadagdag ng 4 na milyong indibidwal sa mga maibibilang na mahihirap.

No comments: