Sinu-sino nga ba ang mahihirap? Mahirap ba ako?
Ayon sa NSCB(2006), kailangan lamang ng 15,057 pesos sa isang taon ng isang indibidwal(national standards) para hindi mabilang sa mga mahihirap. Sa kanilang bilang mayroong 27.6 milyong indibidwal ang kabilang sa mahihirap.
Paano ba nila nakuha ang 15,057 pesos? 10,025 pesos dito ay para mabili ang food menu na inihanda ng FNRI, habang ang nalalabing 5,022 naman ay para sa basic expenditures ng indibidwal na gumagasta sa pagkain ng 11027-9003 pesos o ang +/- 10% ng food threshold. 27 pesos kada araw para sa pagkain at14 peso naman para sa iba pang bilihin.
Ang isinagawang survey ng Social weather stations na nagtatanong sa mga pamilya kung saan nila ilalagay ang pamilya nila sa card: kung sa "mahirap", "hindi mahirap" o “sa linya”.
Mahirap |
di-mahirap |
Pinakita ng kanilang survey para sa second quarter ng 2008 na 59% o 10.6 milyong mga pamilya sa Pilipinas ang nagsasabing mahirap sila. 24% naman ang nagsasabing sila ay nasa gitna at 17% naman ang nagsasabing di sila mahirap.
Ginawan naman ng dibisyon ng Marketing and Opinion Research Society of the
Mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga ginamit na methods ng mga nagsasagawa ng bilang para sa kahirapan.